“Hoy unggoy! Bakit ka nandiyan?! Bumaba ka nga!” Napamulat ako dahil sa ingay sa baba. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko bago kinuha ang eye glasses ko na nasa dibdib ko. May batang babae na nakapamewang ang nagsisisigaw sa baba. Nasa taas kasi ako ng puno nagpapahangin nakasandal lang ako sa malalaking sanga kaya hindi ako mahuhulog. My grandfather taught me to climb trees, that‘s why it‘s so easy for me to go here.
“Who are you?” I asked her. Napakunot noo lang siya at tinitigan ako ng masama. Creepy
“Who are you mo mukha mo! Bumaba ka diyan baka mahulog ka tapos madaganan mo pa ako, hindi ako sumasalo ng unggoy na nahulog sa puno!” Sigaw niya.
Ang ingay niya, kaya dahan dahan akong bumaba. “What do you want?” Inis kong tugon sa kaniya. Sarap ng tulog ko tapos gigisingin niya ako. Susumbong ko siya kay lolo.
“Ano?! Wag mo nga ako minumura hindi tayo close, duh excute me!” she rolled her eyes and cross her arm. Ang ingay ingay naman niya. Kung makasigaw parang ang layo layo ko ah.
“Hindi kita minumura. Ang sabi ko anong kailangan mo? Hindi yon ‘excute me’ ‘excuse me’ yon.” Natatawa kong sabi. Mas lalo siyang nagmukhang masungit.
Napaunat unat ako dahil inaantok pa ako. Naupo naman ako sa ilalim ng puno at napapikit. Nakatayo naman siya sa harapan ko at papalapit sakin. “Yun gusto ko e. Ikaw anong ginagawa mo don?” Tanong niya.
“Natutulog. S-si----” Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang napamulat ako at wala na siya doon sa harapan ko. Hinanap ko siya sa paligin pero wala siya. Nasaan na yon? Pagkalingon ko sa gilid ko nakaupo siya at nakasandal rin sa puno.
“Bago ka lang dito no? Ngayon lang kita nakita. Taga saan ka?” Sunod sunod niyang tanong.
“Oo, kakarating lang namin dito ni Daddy kahapon. Diyan lang kina lolo Alfredo kami nagbabakasyon.” Napatango tango naman siya habang nagd-drawing sa lupa.
“Ah, diyan ka lang pala.” Napalingon yung batang babae sakin. Napaatras naman ako ng konti dahil titig na titig siya sa mga mata ko. “A-anong pangalan mo?” Patuloy niya pa.
“S-stefan Pierce. 8 years old this coming march. Ikaw?” Sagot ko.
Napangiti naman siya sabay abot ng kamay niya sakin. “Fame Alvarez. 8 years old na rin ako.” Nag shake hands kami at nakangiti sa isa‘t-isa.
Fame Alvarez, gandang pangalan.
“T-tar----” Hindi na natuloy ang sasabihin niya nang dahan dahan siyang natumba.
“Fame!” Sigaw ko. Pawis na pawis akong napabangon. I took off my eye glasses on my bed at tumayo para tignan kung anong oras na. 5:30 a.m. It‘s too early. I gasped, I sat on the bed and remembered my dream earlier.
Siya na naman ang nasa panaginip ko. She‘s always in my dream, weird pero kinakalimutan ko na lang. Does she live in my dream? Hays.
Bumaba na ako para kumain kasi maaga ang class ko today. Sakto gising na rin si lola kaya mabilis akong kumain at naligo na. Yes, I live here in my lola‘s house. Nung bata ako akala ko magbabakasyon lang kami ni Daddy dito pero iiwan niya pala ako. Si lolo at lola na nagpalaki sakin. Wala rin silang kasama dito bukod sakin. Si Daddy at Mommy busy sa work, once in a blue moon niya lang ako dinadalaw dito. Wala akong kapatid kaya minsan nalulungkot ako. Hindi naman nakakabored dito kasi madami naman akong books na binabasa at busy rin sa school.
“Lola alis na po ako” Paalam ko kay lola na nakadungaw sa bintana.
“Mag iingat ka apo.” Ngiti ang sinagot ko kay lola at umalis na.
Malapit lang naman ang school ko kaya nilalakad ko na lang. “Hoy Step hintayin mo ako!” Sigaw ng pamilyar na boses. Napalingon ako sa kaniya at huminto. Hingal na hingal siyang lumapit sakin.
“Step may assignment ka sa Algebra?” Nakangiting tanong niya. Tango lang ang sagot ko at nagpatuloy na mag lakad.
She‘s Fame Alvarez. She‘s my child hood best friend. Parehas kami ng school na pinapasukan kaya madalas magkasabay kami maglakad. 3rd year college na kami classmate rin kami sa Algebra. Matangkad siya, may mahabang blonde na buhok, matangos na ilong at mistisa, in short maganda. Step ang tawag niya sakin pang asar.
“Meron. Kunin mo na lang notes ko mamaya.” Sagot ko habang naglalakad pa rin.
“Yun oh. Thank you! Love you bff!” Nagulat ako nang yakapin niya ako. Mabilis naman siyang kumalas habang nakangiti pa rin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at nagpatuloy maglakad. “Sama ka mamaya? May date kami ni Kalix.” Halata sa kilos niya na excited na excited siya sa date nila.
“Kayo na lang.” Mahinahon kong sagot.
“Okay mr. sungit, ha ha ha!” Napailing iling na lang ako.
May nanliligaw sa kaniya, si Kalix. Isang taon na rin yon nanliligaw pero hindi pa rin sinasagot ni Fame. Kampante siya na hindi siya sasaktan ni Kalix, lagi niyang sinasabi sakin na lahat ng nangyayari sa kanila. Malapit niya na rin daw itong sagutin. Tango lang ang laging sagot ko kapag nag ku-kwento siya tungkol kay Kalix.
“Tahimik mo, okay ka lang?” Tanong niya. Tumango na lang ulit ako. Bakas sa mukha niya ang pagaalala sakin. Hindi ko maiwasan tumitig sa kaniya. Bakit ganito siya ka concern?
Pagpasok namin wala pa ang professor kaya maingay pa ang lahat. Inayos ko naman ang eye glasses ko bago pumasok. Nasa likuran ko si Fame. Naupo na kami at inabot ko sa kaniya ang assignment ko, nagpasalamat ulit siya pero tango lang ulit ang sinagot ko.
Natapos na siya bago dumating ang prof namin. Mabilis lumipas ang oras natapos agad ang first subject. Nagliligpit pa ako ng gamit nang may bumulong sakin. “Tef tara na.” Isasakbit ko palang ang bag ko nang hawakan niya na ang wrist ko. Hila hila niya ako habang papunta sa canteen.
Dug dug dug. Wala akong marinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit nararamdaman ko ito kapag malapit siya sa akin? Ano ‘to? Ang weird naman.
Sinasabayan niya lagi akong kumain kasi alam niya na wala akong masyadong mga kaibigan. Siya lang talaga ang malapit sakin. Vise versa kami, Friendly siya ako mas gusto kong mapag isa. Hindi ko alam kung naawa lang siya sakin o napipilitan lang na samahan ako. Masaya naman ako kahit siya lang kasama ko.
Sobrang saya.
Kumakain na kami dito sa pinaka dulong table. Kwento siya nang kwento kahit kumakain, kaya natatawa na lang ako. She‘s cute tho. “Fame.” Tawag sa kaniya nung matangkad na lalaki. Mistiso, matangos ang ilong at may dark eyes, si Kalix.
“Hi Kalix. Dito upo ka.” Umusog si Fame at tumabi naman si Kalix sa kaniya. Hindi mapakali si Fame, hindi niya alam kung saan siya titingin. Halos mapunit na ang labi niya kakangiti. Ganiyan siya lagi kapag kasama si Kalix. Minsan hinahampas hampas niya pa ako dahil sa kilig.
“hmm, hi Stefan.” Bati niya sakin. Napatango na lang ako kunwari may pinagkakabalahan sa hawak kong libro. “See you later baby. Sunduin kita mamaya.” Malambing na sabi ni Kalix.
Hindi naman sa nag ju-judge pero hindi ko siya gusto para kay Fame. Nakikita ko siya minsan na may kasamang ibang babae pero hindi ko na lang sinasabi kay Fame kasi alam kong masasaktan siya.
“Ah-eh. S-sige see you hehe.” Kumaway pa siya bago makalayo sa table namin si Kalix.
“Omg, tinawag niya akong baby sa public. Narinig mo yon Stef? Wala ka non ha ha! Ret---” Hindi na natapos ang sasabihin niya nang magsalita ako.
“Ayoko.” irereto na naman niya ako sa mga kaibigan niya. Ayoko pa naman yung tinutukso sa iba.
Nang matapos na kaming kumain nagpunta na ako sa next subject ko. Monday ngayon kaya limang subject papasukan ko. Nagpunta na rin sa ibang building si Fame, mag kita na lang daw kami bukas kasi hindi kami sabay uuwi. Susunduin daw siya ni Kalix pagkatapos ng klase niya. Tango lang ulit ang sinagot ko. Nilingon ko pa siya bago makalayo. Ang bigat nang pakiramdam ko parang may masamang kutob ako. Napailing iling na lang ako at umalis na.
*ring ring ring*
“Okay class dismiss.”
Lumabas na ako ng room. Nagpalingon lingon ako baka sakaling makita ko siya pero bigo akong makita siya.
“Si Fame ba hinahanap mo?” tanong nung babae sa likod ko.
“A-ah, oo.” sagot ko. Tiningnan ko kung sino ang babaeng nasa likod ko.
Si Justine. Justine pangalan niya pero babae siya. Hanggang balikat ko lang ang taas niya. Katabi ko siya sa last subject ko, kinakausap niya ako minsan pero madalas tango lang sagot ko. Kilala niya si Fame kasi kasama niya mag training sa volleyball. Sporty rin kasi si Fame kaya madami siya kakilala. At madalas siya ang kasama ko kaya kapag mag isa ako hinahanap nila sakin si Fame. Kaya nga Fame kasi Famous yon dito sa school.
“Umalis na kasama yung Kalix magkaholding hands pa nga e.” hindi ko namalayan na napatulala ako sa sinabi niya. Mag ka holding hands? Akala ko ba hindi siya basta basta nagpapahawak ng kamay sa iba? So it means sila na? Ano bang pake ko? Bakit ko siya iniisip?
Mabilis akong naglakas papalabas ng school at umaasang mahabol sila pero bigo ulit ako.
Madilim na sa daan pero para akong lumulutang habang naglalakad. Sinisipa ko ang mga maliliit na bato sa daan habang naka bulsa ang mga kamay ko. Malalim akong napabuntong hininga nang maalala ulit yung sinabi ni Justine. “Umalis na kasama yung Kalix magkaholding hands pa nga e.” Naka holding hands? Hays. Bakit ba ganon na lang ang impact nung sinabi niya. Masaya naman ako kung masaya siya pero parang may kirot akong nararamdaman. Pilit ko na lang kinakalimutan pero sa tuwing pinipilit ko ang sarili ko na kalimutan mas lalo akong nasasaktan. Ganon ba siya ka importante para sakin? Naalala ko ang sinabi niya sakin noon. “Hindi ako magpapahawak agad ng kamay no. Swerte naman niya. Paghirapan niya, duh.” Napailing - iling na lang ulit ako nang maalala yon.
Nakauwi na ako sa bahay. Kumain na kami at mabilis akong nagbihis para makatulog na.
Pagpasok ko sa room biglang may nag pop up sa phone ko.
From Fame: Stef
Napatitig pa ako ng ilang segundo sa message niya. May kaba at tampo akong nararamdaman. Napasabunot ako sa sarili ko at pinatay na ang phone ko. Ayoko siya replyan. Nag isip pa ako kung rereply-an ko ba o hindi. Ano kayang nangyari sa kaniya? Replyan ko na ba? Baka i-kwento lang niya nangyari sa kanila nung manliligaw niya. Ayoko. Sa huli napagdesisyunan ko na lang matulog para makaiwas sa sakit nang nararamdaman ko dahil sa mga nangyari.
Share this novel