Rate

Chapter 2 : Birthday

Inspirational Series 661

Pagkagising ko kinuha ko na agad ang eye glasses ko. Napatingin ako sa phone ko ng may nag pop up.

From Fame Alvarez: Stef. 5:30 a.m

Napatitig pa ako doon. Bakit may kaba akong nararamdaman?

Maliligo na sana ako pero napatigil ako ng may tumatawag.

Fame Alvarez is calling...

Ilang minuto pa akong tulala at titig na titig sa phone ko. Akmang sasagutin ko na pero namatay na ang tawag. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na siya tumawag ulit.

Pagkatapos ko magbihis at kumain nagpaalam na ako kay lola at umalis na. Nakabulsa ang mga kamay ko habang naglalakad. Malapit na ako sa gate ng may tumawag sakin.

“Stef.” Napalingon ako sa kaniya. Akmang papasok na ako sa nang hawakan niya ang kamay ko.

“Galit ka ba?” may nangingilid na luha sa mga mata niya. Mukha rin siyang walang tulog at gulo pa ang buhok. Pulang pula rin ang mga mata niya. Anong nangyari?

Tinitigan ko lang siya pero nagulat ako ng yakapin niya ako nang mahigpit. Tumulo na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. “Niloko niya ako. May girlfriend siya matagal na. Pinagmukha niya lang akong tanga at kabit.” napahagulgol na siya. Madaming nakatingin sa amin ngayon pero wala akong pake. Niyakap ko na rin siya pabalik.

“I‘m here na.“ bulong ko sapat na para marinig niya.

Ngayon nadudurog ako. Ang sakit makita siyang nasasaktan. Hindi ko kayang makita siya nang ganito. Ang sakit. Hindi kita kayang makitang nasasaktan kaya gagawin ko ang lahat para iparamdam sayo kung gaano ka kaimportante sakin.

Nandito kami ngayon sa canteen. Bumili na rin ako ng makakain namin. Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya, kanina pa siya tulala. Kung hindi mo kakausapin hindi niya magagawang magsalita. She look like frustrated. Sabi ko na walang magagawang mabuti yung lalaki na yon tama nga ang kutob ko na may masamang mangyayari. Sana sinundal ko na lang sila at sana nag reply ako kagabi para napuntahan ko siya. I can‘t help but to blame my self. Nasasaktan ako na makita siyang ganiyan. Hindi ko alam gagawin ko.

“Stef.” tawag niya sakin. Nakatitig siya sa mata ko na may nangingilid na luha. “Ang tanga tanga ko.” hindi na napigilan ang luhang pilit niyang pinipigilan.

Lumapit ako sa kaniya. “T-tignan mo ako.” tumingin siya sakin at biglang napatigil. Seriously, hindi ako sanay sa ganitong usapan puro kalokohan niya lang naman madalas naming pag usapan. Napatikhim muna ako bago magsalita. “You don‘t deserve this. Okay? Stop blaming yourself?. M-may iba pa diyan.” kahit kabado pinilit ko pa rin ngumiti. Mukhang gulat siya sa mga sinabi ko kaya umayos na ako ng upo. From now own i won‘t hide this feelings. Ayoko masaktan ka ulit.

Hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko sayo. Simula pa nung mga bata tayo lagi na lang akong kinakabahan kapag kasama ka. Napapangiti ako sa mga biro mo. Natatakot ako dumating yung araw na mawala ka sakin. Gusto ko iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Gusto ko at gagawin ko. Ipaparamdam ko sayo sa paraang tama.

Tapos na ang last subject ko. Papunta ako sa room ni Fame para sabay kami umuwi. Kaba at saya ang nararamdaman ko. Anong sasabihin ko? Hi fame sabay na tayo. Baka ma weirdohan siya sakin. Hi, hmm may pupuntahan ka ba? Feeling boyfriend. Tara sabay na tayo. Hindi ko alam kung anong? dapat sabihin. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

“Uy.” napalingon ako nang may kumalabit sa likod ko. Nagsisilabasan na pala sila. Hindi ko namalayan nakatulala ako habang nakatingin sa kaniya. Ayan na siya.

Inayos ko ang eye glasses ko at ang tayo ko. Magsasalita na sana siya pero hinawakan ko na ang pulso niya at naglakad na. Bakas sa mukha niya ang gulat. Nagulat rin ako sa sarili ko bakit ko ‘to ginagawa. Basta gagawin ko ‘to para sa kaniya.

Nang malabas na kami sa main gate ng school binitawan ko na siya. Walang kumikibo samin. Napayuko na lang ako sa hiya. Hindi naman siguro siya makakahalata? Sana nga. Mabagal lang kami naglalakad. Medyo madilim na rin sa daan. Sikreto akong napapatingin sa kaniya. Malungkot pa rin siya. Napahinto ako, kinuha yung earphones ko sa bulsa at yung phone ko. Agad ko naman yon nilagay, nags-scroll ako sa playlist ko, nung makita ko na yung pinapatugtog ko kapag malungkot ako tumingin naman ako kay Fame. Napahinto rin siya, nakatingin lang siya sakin kung anong gagawin ko. “Suot mo ‘to.” sinuot na niya yung earphones ko habang hawak ko yung phone ko. Magkapantay kaming naglalakad medyo malapit kami kasi maikli lang yung cord ng earphones.

Nang masuot na sa kaniya napangiti naman siya sakin. Pinatugtog ko yung ‘Somewhere by Lany.’ Naririnig ko siyang bumubulong sinasabayan yung kanta. Biglang lumakas tibok ng puso ko pero napangiti ako habang nakikita siyang nakangiti. Ang makita kang nakangiti sobrang saya ko na.

Hindi ko namalayan malapit na pala ako sa bahay. Napahinto naman siya sabay abot sakin nung earphones ko. “T-thank you Stef.” tango lang ang sinagot ko. Papasok na sana ako pero bigla akong napatigil sa nang tawagin niya ako ulit.

“Stef, may tanong ako.” sobrang kinakabahan akong napalingon sa kaniya.

“A-ano?" nauutal kong tanong. Nakahalata na ba siya? Hindi pa ako handa.

“May gagawin ka ba bukas?” nakahinga naman akong maluwag. Akala ko alam na niya.

“Wala naman.” napangiti naman siya sa sagot ko. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya ngayon.

“Punta ka sa bahay bukas birthday ni mama.” pagkasabi niya kumaway na siya sakin at tumakbo papalayo.

Best friend ko siya pero minsan lang ako magpunta sa kanila. Kapag may special occasion sila o kapag birthday niya. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay. Madalas nandito lang ako para may kasama sila lolo at lola.

Pagkapasok ko nanonood ng tv sina lolo. “Nakauwi na po ako.” sabay naman silang napatingin sakin sabay ngiti. Tumayo na si lolo at lola, nagpunta na sila sa mesa. Hinihintay nila ako bago kumain. Sinasabihan ko naman sila na wag na ako hintayin para makakain na sila agad at makapag pahinga pero gusto pa rin nila kasabay ako kumain wala naman akong magagawa kaya hindi ko nalang yon ulit sinasabi sa kanila.

“Kumusta ang araw mo apo?” panimula ni lolo. Nagbihis muna ako bago kami kumain. Nandito na ako ngayon sa hapag.
“Okay lang naman po.” nakangiti kong sagot.

“May nobya ka na ba apo?” tanong ni lola. Sila rin ba nakakahalata na? Hindi naman ako ganon ka obvious na may gusto ako ah.

“W-wala po.” natatawa sila at napa iling iling. Anong meron?

“Si Fame kumusta? hindi na siya nagpupunta dito.” napatingin naman ako kay lolo na kumakain ngayon, nakangisi siya na parang nang aasar.

“Okay lang po lolo.” napatango naman siya sa sagot ko pero parang hindi pa rin siya kumbinsido. Bakit ganiyan sila nakatingin sakin? Parang may nalaman sila na hindi ko alam.

Pagkatapos namin kumain ako na naghugas ng pinagkainan namin pagkatapos pumasok na ako sa kwarto ko. Naghahanap ako nang susuotin bukas. Hindi ko alam ang susuotin ko bukas. May kita naman akong white polo at black pants regalo sakin ni lolo ‘to nung new year isang beses ko palang sinuot kasi hindi naman ako pala labas. Okay na siguro ‘to. Humiga na ako pero hindi ako makatulog. Anong dadalhin ko bukas? Buti na lang walang pasok bukas kasi holiday. Hays. Hindi talaga ako makatulog. Kinuha ko yung book na binabasa ko para mabilis akong antukin magbabasa muna ako.

*Ring ring ring*
From Fame Alvarez: hoy Step anong oras ka pupunta sabi ni mama?

Hoy gising na

Step!!!

Hintayin kita dito sa bahay. See you!

Napabangon ako sa ingay ng vibrate ng phone ko. Kinuha ko na yung salamin ko para tignan kung sino yon.

Si Fame. Oo nga pala ngayon na yung birthday ni tita. Mabilis akong maligo at nagbihis. Sinuot ko na yung hinanda kong damit kagabi. Napahinto ako ng makita ko ang necklace na binigay sakin ni mama noong 10 years old ako.

“Nak kapag nakita mo na ang babaeng gusto mo makasama habang buhay ibigay mo sa kaniya ito at ikaw dapat ang unang mag suot sa kaniya.” sabay halik sa pisngi ko. Tumango lang ako at niyakap si mama.

Kinuha ko iyon at binulsa. Gaya ng sabi ko ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sakin.

Dali dali akong lumabas at nagpaalam kay lolo. Umalis muna ako para bumili ng ipang reregalo. Pagdating ko sa store wala talaga akong regalong mapili kaya bumili nalang ako ng cake para kay tita. Malapit lang naman yung store kaya lalakarin ko nalang papunta kina Fame.

Nang malapit na ako sa kanila rinig ko na ang videoke at may tent din sa labas ng bahay. Medyo maraming tao. Inayos ko naman ang suot ko at binuksan ang isang botones ng polo ko. Pataas na ang araw, tumingin muna ako sa relo ko 10:30 na pala. Inayos ko muna ang buhok ko at eye glasses. Napalunok naman ako sa parami paraming taong nakakasalubong ko.

Nang nasa gate na nila ako nakita ko si Kian na sumubo ng spaghetti. “Tita Pem nandito na si kuya Tep!” napangiti naman ako sa kaniya. May mga napatingin sakin kaya ngumiti nalang ako sa kanila.

“Wait lang! Ano?” sigaw ng isang babae. Napatigil ako nang makita ko siya. Si Fame ba ‘to? “Hi Stef! Pasok ka.” nabalik lang ako sa huwisto nang tawagin niya ako. Mabilis naman akong tumango at pumasok na sa loob. Hindi ko maiwasan mapatingin sa kaniya.

“Ma si Stefan nandito na.” pasigaw na sabi ni Fame. Medyo maingay dahil sa videoke sa labas.

“Stefan dito pasok. Nako napaka gwapo mo naman. Ang tangkad tangkad mo na.” nakangiting sabi. Nagmano ako kay tita sabay abot sa cake na binili ko.

“Happy birthday po tita.” bati ko.

“Nag abala ka pa! Hay nako itong batang talaga na‘to. Salamat. Kumusta ka naman? May girlfriend ka na?” sunod na sunod na tanong ni tita habang abala siya sa pagkuha ng pagkain sakin.

“W-wala po.” napakamot naman ako sa ulo ko at nahihiyang tumingin kay Fame.

“Mabuti naman.” sabay tingin ni tita kay Fame. Pinanlakihan naman ng mata ni Fame si tita.

Iaabot na ni tita yung soft drinks sakin pero agad na pinigilan ni Fame. “Ma hindi umiinom ng soft drinks si Stef.” aagawin na ni Fame yung baso pero agad naman iyon binalik ni tita. Natawa naman kami ni tita sa reaksyon niya.

Nagkuwentuhan pa kami ni tita. May mga tumatawah rin sakin at ngiti at tango lang ang sinusukli ko. May mga nakikipaglaro pa mga pamangkin ni Fame pero sinuway sila ni tita kasi hindi pa ako tapos kumain. Medyo nahihiya ako kaya panay tingin ako kay Fame na katabi ko. Pagkatapos ko kumain mas dumami pa ang bisita na dumadating.

“Nak pagpahinga mo muna si Stef diyan sa rest house oh.” nakangiting sabi ni tita.

Tumango naman si Fame at sumunod ako sa kaniya. Umupo kami sa rest house nila sa likod ng bahay. “Daldal ni mama no?” natatawa na parang naiinis siya.

Tumango lang ako. Nahuhuli ko siyang napapatingin din sakin kaya walang sino man na umiimik saming dalawa.

“Stef. Kailan mo balak mag girlfriend?” nagulat naman ako sa tanong niya kaya dumistansya siya ng konti.

“Ewan.” sagot ko sabay titig sa kaniys. Nakatingin siya ngayon sa malayo at malalim ang iniisip. Mukhang nakakarecover naman na siya sa nangyari kahapon. Kung alam mo lang kasama ko na ngayon ang babaeng yon.

“N-nga pala. Manonood ka ba sa training namin bukas?” basag niya sa katahimikan. May training sila sa basketball kapag malapit na ang competition. Sila kasi ang representative sa school namin every year.

“Tignan ko.” napatango naman siya sa sagot ko.

Tumahimik na ulit siya. Nakatingin pa rin siya sa malayo, mukhang naiilang. Anong nangyare bakit parang nahihiya siya? Nasanay kasi akong maingay si Fame at siya lagi ang may baon na chika samin. Nakatingin langa ko sa kaniya kaya nahuhuli ko siyang napapatingin sakin.

“Fame.” tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sakin. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at bumagal ang ikot ng mundo. Parang kami lang dalawa ngayon ang nandito. Siya lang ang nakikita ko. Hindi ko mapigilan ang puso ko parang sasabog na ‘to. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko kayang makita kang umiiyak at nasasaktan. Kung pwede lang. Kung pwede lang na sabihin sayo itong nararamdaman ko. Sana maramdaman mo kung gaano ka kahalaga sakin... mahal ko.

Share this novel

Guest User
 


NovelPlus Premium

The best ads free experience