Rate

Prologue

Fantasy Series 109

[Prologue]

"Ano kaya sa tingin mo ang magiging kapalaran natin sa darating na panahon?"Tanong sa akin ni merlin.Di ko na matanaw ang mga lalaking sireno na kasama naming nagtungo sa puwestong bato namin dito sa dalampasigan ng dagat samar.

"Magkakaroon ba ako ng mayamang asawa?"Papikit pikit na aniya."Gusto ko 'yung makisig para maipagtanggol niya ko sa mga nang aapi!"Umirit pa siya sa matinis na boses.

"Magkaka anak ba kami?"Ibinaliktot niya ang dalawa niyang kamay na mayroong mahahabang kuko habang patuloy sa pagpikit pikit.

"Nako merlin, ang isipin mo ay ang kung anong meron ka sa kasalukuyan!"Wika ko habang ang mga sulyap ko ay nasa kaniyang bilugang mukha."Ano nga bang meron ka sa kasalukuyan?"Iminulat niya ang kaniyang mga mata at tinitigan ako.

"W-wala"Simpleng sagot niya."Oh ganun naman pala e, edi ang gawin mo, maghanap ka muna ng nobyo bago ka mag isip ng patungkol sa mga bagay tungkol sa buhay may asawa"Tukso ko sa kaniya.Sinimangutan niya ako, alam kong gagantihan niya ako ng kurot ngunit huli na para doon sapagkat naka talon na ko sa tubig upang takasan siya sa paghihiganti.

Tumalon na rin siya upang habulin ako.Binilisan ko pa ang pag langoy upang hindi niya ako mahabol, iba pa naman ang ugali niya tuwing alam niyang natatalo o naaasar siya.Grabe kung gumanti, yung tipong aasarin ko lamang siya gamit ang maliliit na salita, bub'welta na ka agad siya at hahampasin o tatawagin niya ang mga dilis gamit ang kaniyang kapangyarihang naililikha sa pamamaraang pag sipol at pag ihip.

Alam niyang sa mga dilis ako titiklop, doon ako takot na takot.Iisipin ko palang ang kanilang maliit na mga mata, nandidiri na ako.

Habang patuloy ako sa paglangoy ng mabilis, napansin ko ang mga kasama naming mga lalaki patungo doon sa puwestong bato na mukhang nakiki sali rin sa aming habulan ng kaibigan kong si merlin.

Tunog lamang nang pagwasiwas ng tubig dagat ang maririnig sa paligid, malayo pa kasi ang lugar na ito sa mismong dako kung saan kaming lahat ng mga sirena at sireno ay naka tira.Tago rin at mahiwaga ang aming tirahan di gaya ng sa mga mortal.

Nang maka kita ako ng isang malaking bato, dali-dali akong nagkubli sa likod nito at doon mismo sa likod ng bato ay sumandal ako at saka bumuntong hininga.

Naka ramdam ako ng may kung anong gumagalaw sa likuran ko.Noong una, halos matawa ako dahil sa pag gawang pangingiliti nito sa likuran ko ngunit ganon na lamang ang pag hiyaw ko ng malakas ng ipitin niya ang balat ko sa likod.Dahil sa ingay na nilikha ko, natawag tuloy ang atensyon ng kaibigan ko na alam kong nasa malapit lamang dahil nakakarinig na ako ng pag pagaspas ng tubig.

Inalis ako ang alimangong umipit sa akin at saka sinilip mula sa kanang bahagi ng bato si merlin.

"Hoy!"Nagutla at napatalon ako ng may sumigaw mula sa likuran ko kasabay no'n nakaramdam ako ng pagkurot niya sa kanang braso ko.

"Ahh, ahh, ahh aray, paumanhin na... merlin"Usal ko na halos mamilipit sa sakit dahil sa kurot niya.Ang kurot pa 'man din niya ay maliit na bahagi lamang ng balat ko ang iniipit ngunit sobrang sakit na nito, idagdag mo pa ang mahahaba niyang kuko na sa tingin ko ay sobrang mamumula ang balat ko at magiiwan pa ng mga marka.

"P-paumanhin na"Ani ko at dinugsungan pa ng malakas na halakhak ni merlin."Gusto mo bang tawagin ko pa ang mga alaga ko"Pinutol ko siya at tinakluban ang kaniyang bibig upang di na magtangka.Tawa lamang siya ng tawa habang ako naman ay patuloy sa pagtaklob sa bibig niya sapagkat sinusubukan niyang sumipol.

Sa huli, kinagat niya ang daliri ko.Hindi naman na niya sinubukan pang tawagin ang mga kaibigan niyang dilis.

"Bulaga!"Napatalon kaing dalawa ni merlin ng mang-gulat sa aming dalawa sa kalagitnaan nang pag langoy namin ang limang lalaking kasama namin tumingo rito..Inaya niya kasi akong umuwi dahil nasa kalagitnaan na ng langit ang bilog at maliwanag na buwan at hindi maganda para sa amin ang maabutan ng paglandas niyon sa gitna.

"Naku ka ginoo!"Wika ni merlin na nasa tabi ko at pareho kaming dalawa na naka titig sa limang mga lalaking kasama namin."Ano't nandito pa kayong lima!Ang akala ko ay lumisan na kayo"Sambit ko ngunit, kahit alam nilang delikado na ang mangyayari ilang sandali lamang, kita mo sa mga mata nila ang kapilyuhan at pawang takam na takam sa laro!

"Sasapit na ang pagsentro.Delikado na ngunit ang mga itsura niyo ay pilyong pilyo pa!"Puna ko sa limang binatang nasa aming harapan."Nako binibing Azalea.Huwag ka ngang mangamba diyan"Kibit balikat niya.

"Hay nako!Bahala kayo!"Sigaw ko sa kanila bago sila mag habulan pauwi.Nagka titigan kami ni merlin at parang ang mga isip namin ay iisa sa kanilang iniisip.Sabay kaming lumangoy ng mabilis patungo sa daan kung saan dumaan ang limang pilyong binata.

Ngiti lamang ang mababakas sa amimg mga mukha dulot ng lubos na kaligayahan.Halos isang minuto lamang, matatanaw na namin ang lagusan pa tungo sa aming lugar.

Nakita ko pa ang limang pumasok sa loob ng lagusan na suot ang malalawak na ngiti.

"Ikaw na ang sumambit"Di na ko nagtanong.Ang lihim na salita upang mabuksan ang lagusan ang kaniyang tinutukoy.

"Abierta!"Sigaw ko at saka lumitaw ang isang espihirilyo na bagay na lumiliwanag na may nakaka-hilong mga guhit paikot.Unang pumasok si merlin at sumunod ako sa kaniya.

"Bienvenida al mundo de las serenas"

---

A/N: Ang istorya pong ito ganap sa taong 1950's kapanahunan kung saan uusbong na ang pagbabago sa pilipinas.Ang lahat po ng Pangyayaring inyong mababasa sa susunod na pahina ay pawang fiction lamang.

#ATalesInBetween

Share this novel

Guest User
 


NovelPlus Premium

The best ads free experience